Sabado, Marso 10, 2018

Kabanata 8: "Maligayang Pasko"


EL FILIBUSTERISMO
KABANATA 8: ANG MALIGAYANG PASKO




I. Tauhan


1. Juli- Si Juli ang siyang may kasunduang manilbihan kay Hermana Penchang upang matubos ang kanyang ama sa paghihingi ng limandaang pisong pambayad sa mga tulisang tumangay sa kanya.

2. Hermana Penchang - Siya ang malupit na pinagsisilbihan ni Juli na halos walang ibang ginawa kundi ang maliitin si Juli dahil siya ay hindi marunong magbasa.

3. Tata Selo - Siya ang lolo ni Juli na may hindi maipaliwanag ang kalungkutang nararamdaman nang dahil sa pagpapaalipin ng apong si Juli.


II. Maikling Buod


Sa kabanatang ito, ang maligayang pasko ay nagpapahiwatig sa ibang kahulugan ng isang pasko. Hindi masaya ang pasko ang nararanasan sa pamilya ni Juli dahil sa dahilan ng kanyang pagaalipin kay Hermana Penchang upang matubos ang kanyang ama na humihingi ng limandaang pisong pambayad sa mga tulisang tumangay sa kanya. Ang pagaalipin ni Julia ang siyang naging dahilan kung bakit hindi maipaliwanag ang kalungkutang nararamdam ng kanyang lolo na si Tata Selo.  Di nagbigay ng karagdagang salaping kailangan ni Juli kaya natuloy siya sa pagpapaupa kay Hermana Penchang sa araw ng pasko kaya dahil sa sama ng loob ay napipi si Tandang Selo. Hindi naging masaya ang pasko nina Juli dahil hindi kompleto ang kanyang pamilya sa pagdidiriwang sa araw ng pasko at naging malungkot ang pasko sa kabanatang ito dahil sa mga pagsubok na kanilang itinahak.

III. Pagsusuring Pangnilalaman

a. Layon at Panahon

Ang panahon sa kabannatang ito ay ang araw ng pasko, ang layon sa kabanatang ito ay kung paano idiniwang ang mahalagang araw na ito. Dito natin makikita kung paano naghahanda ang mga tao para sa masayang noche buena at ang pagmamahalan sa paraang pagbibigay ng mga regalo sa isa't isa. Sa simpleng regalong na ipjinamimigay sa mga bata, ditro natin nakikita ang pagpapahalaga  sa pagdiriwang, at saka, pamamaraan na rin ito para ibahagi ang mga biyayang natanggap nila sa buong taon, at itinaon ang Pasko para mas masaya. Ang makita natin sa kanila ay ang mga ngiti at mga salita ng pagpapasalamat nila sa isa't isa ay sapat na upang maramdaman natin kung ano ang totoong kaligayahan sa kanilang mga puso.


b. Isyung Panlipunan

  • Hindi pantay na pananaw - sa kabanatang ito makikita natin kung paano minamaliit si Juli sa kanyang amo na si Hermana Penchang dahil siya ay walang alam sa pagdadasal at hindi gaanong edukadong tao. Maiuugnay natin ito sa kasalukuyan dahil sa panahon ngayon, maraming taong minamaliiit o may diskriminasyong naganap dahil sa pagiging iba nito sa lipunan. Ang isang naging dahilan nito ay ang kahirapan, kakulangan sa edukasyon at ang pagkakaiba sa lahi.
  • May malaking agwat din ng estado sa buhay ang mga indyo o mahihirap at makapangyarihan.
  •  Kahirapan na nagdudulot ng ibang tao ng kasawian tulad ng utang at pagpapaalipin.
  •  Pag-aabuso ng mga indyong alipin.


IV. Mahalagang Aral


Ang pasko ay panahon ng pagbibigayan at pagkakaroon ng oras sa pamilya. Ang aral na ating mapupulot sa kabanatang ito ay ang mga Pilipino ay mapaniwalain sa mga himala. Ang paghahanap ni Juli sa salaping  inaasahang ibibigay ng Birhen ay kaigsian ng pag-iisip. Ibig ipaunawa ni Riza ay nasa tao ang gawa at nasa Diyos ang awa. Dito din natin makikita kung paano kaimportante ang pagiging kompleto ng pamilya sa araw ng pasko na hindi katulad nina Juli na nakaranas ng napakalungot na pasko at pait sa mga pagsubok na natahakan. Ang pasko ay importante sapagkat dito tayo nagbibigayan at nagmamahalan sa isa't isa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento