I. Tauhan
1. Juli- Si Juli ang siyang may kasunduang manilbihan kay
Hermana Penchang upang matubos ang kanyang ama sa paghihingi ng limandaang
pisong pambayad sa mga tulisang tumangay sa kanya.
2. Hermana Penchang - Siya ang malupit na pinagsisilbihan ni
Juli na halos walang ibang ginawa kundi ang maliitin si Juli dahil siya ay
hindi marunong magbasa.
3. Tata Selo - Siya ang lolo ni Juli na may hindi
maipaliwanag ang kalungkutang nararamdaman nang dahil sa pagpapaalipin ng apong
si Juli.
II. Maikling Buod
Sa kabanatang ito, ang maligayang pasko ay nagpapahiwatig sa
ibang kahulugan ng isang pasko. Hindi masaya ang pasko ang nararanasan sa
pamilya ni Juli dahil sa dahilan ng kanyang pagaalipin kay Hermana Penchang
upang matubos ang kanyang ama na humihingi ng limandaang pisong pambayad sa mga
tulisang tumangay sa kanya. Ang pagaalipin ni Julia ang siyang naging dahilan
kung bakit hindi maipaliwanag ang kalungkutang nararamdam ng kanyang lolo na si
Tata Selo. Di nagbigay ng karagdagang
salaping kailangan ni Juli kaya natuloy siya sa pagpapaupa kay Hermana Penchang
sa araw ng pasko kaya dahil sa sama ng loob ay napipi si Tandang Selo. Hindi
naging masaya ang pasko nina Juli dahil hindi kompleto ang kanyang pamilya sa
pagdidiriwang sa araw ng pasko at naging malungkot ang pasko sa kabanatang ito
dahil sa mga pagsubok na kanilang itinahak.
III. Pagsusuring Pangnilalaman
a. Layon at Panahon
Ang panahon sa kabannatang ito ay ang araw ng pasko, ang
layon sa kabanatang ito ay kung paano idiniwang ang mahalagang araw na ito.
Dito natin makikita kung paano naghahanda ang mga tao para sa masayang noche
buena at ang pagmamahalan sa paraang pagbibigay ng mga regalo sa isa't isa. Sa
simpleng regalong na ipjinamimigay sa mga bata, ditro natin nakikita ang
pagpapahalaga sa pagdiriwang, at saka,
pamamaraan na rin ito para ibahagi ang mga biyayang natanggap nila sa buong
taon, at itinaon ang Pasko para mas masaya. Ang makita natin sa kanila ay ang
mga ngiti at mga salita ng pagpapasalamat nila sa isa't isa ay sapat na upang
maramdaman natin kung ano ang totoong kaligayahan sa kanilang mga puso.
b. Isyung Panlipunan
- Hindi pantay na pananaw - sa kabanatang ito
makikita natin kung paano minamaliit si Juli sa kanyang amo na si Hermana
Penchang dahil siya ay walang alam sa pagdadasal at hindi gaanong edukadong
tao. Maiuugnay natin ito sa kasalukuyan dahil sa panahon ngayon, maraming taong
minamaliiit o may diskriminasyong naganap dahil sa pagiging iba nito sa
lipunan. Ang isang naging dahilan nito ay ang kahirapan, kakulangan sa edukasyon
at ang pagkakaiba sa lahi.
- May malaking agwat din ng estado sa buhay ang
mga indyo o mahihirap at makapangyarihan.
- Kahirapan na nagdudulot ng ibang tao ng kasawian
tulad ng utang at pagpapaalipin.
- Pag-aabuso ng mga indyong alipin.
IV. Mahalagang Aral
Ang pasko ay panahon ng pagbibigayan at pagkakaroon ng oras
sa pamilya. Ang aral na ating mapupulot sa kabanatang ito ay ang mga Pilipino
ay mapaniwalain sa mga himala. Ang paghahanap ni Juli sa salaping inaasahang ibibigay ng Birhen ay kaigsian ng
pag-iisip. Ibig ipaunawa ni Riza ay nasa tao ang gawa at nasa Diyos ang awa.
Dito din natin makikita kung paano kaimportante ang pagiging kompleto ng
pamilya sa araw ng pasko na hindi katulad nina Juli na nakaranas ng
napakalungot na pasko at pait sa mga pagsubok na natahakan. Ang pasko ay
importante sapagkat dito tayo nagbibigayan at nagmamahalan sa isa't isa.
|